Tanging Yaman Foundation, Inc.
Project Turn-over and LST Student Outreach Program
Sub-Urban, San Jose, Montalban Rizal
September 17, 2011
Pagod, hirap, tuwa at saya, iyan ang aming naranasan sa isang araw na pag-aalay ng lakas, isip at oras para sa mga taong nasalanta ng nakaraang bagyong Undoy. Sira-sira at gula-gulanit na tahanan ng mga mamamayan ang aming naabutan sa Sub-Urban Village, San Isidro Temfacil, Montalban Rizal.
Dahil sa tulong na kaloob ng Tanging Yaman Foundation, Inc., Dalawangput lima ang mga nabiyayaan ng pambili ng yero para sa bubong, pako at halige para sa kanilang bahay na gula-gulanit. At dahil sa tulong ng mga LST Brother Students sa pamumuno ni Bro. Roy ng Oblatetes of Mary Immaculate at ng mga iba pang relihiyosong organisasyon ay natulungang maikabit ang mga haligi at bubong sa bahay ng beneficiaries.
Matapos ang pagpapakilala sa mg kapatid na relihiyoso sa mga beneficiaries ay dala-dalawang itinalaga ang mga kapatid na relihiyoso sa mga pamilyang kanilang tutulungan sa pamamagitan ng pagdadala ng kanilang mga gagamitin sa mga tahanan ng mga benificiaries.
Nakakatuwang tingnan habang sila ay nagkakabit ng mga haligi at yero dahil sa mga ngiti na iyong makikita sa kanilang mukha habang awang-awa sa mga tinutulungan kaya't ang awang kanilang nakikita ang nagsilbing lakas nila upang matapos ang bahay na kanilang ginagawa at ng sa gayon ay maging tahanang matatag ng pamilyang sisilong dito.
Ang Tanging Yaman Foundation, Inc. ay lubos na nagpapasalamat sa mga organisasyong pang relihiyoso, layko upang maisakatuparan ang biyayang ibinigay ng mga nagbigay ng tulong sa Tanging Yaman Foundation, Inc.



