1.png 2.png 3.png 4.png 5.png 6.png 7.png 8.png 9.png

KALAYAAN! Homily of Fr Nono Alfonso, SJ

428618389_708640214752415_1343378865965603544_n.jpg

KALAYAAN
Sermon sa EDSA Shrine ni Fr. Nono Alfonso, SJ
February 23, 2024

 

Malaya na nga ba tayo? Are we really free? Mga kapatid yan po ang tema ng mensahe ni Pope Francis sa panahong ito ng kwaresma. Through the desert, God leads us through freedom. Mula o sa pamamagitan ng disyerto, inaakay tayo ng Dios tungo sa Kalayaan. Yan po ang kumpletong pamagat ng sulat pastoral ng ating Santo Papa. At maaaring akalain natin na ang sulat na yan ay sinulat nya para sa ating mga Pilipino at sa karanasan natin ng EDSA.

 

May nahalaw po akong tatlong maiikling punto mula rito. Una, ang laging layunin daw po ng Dios sa atin ay Kalayaan, freedom. Kung naaalala daw po natin ang unang pagtatagpo ng mga Israelita kay Yahweh sa kasaysayan ay sa pamamagitan ni Moises. Tinawag ni Yahweh sa tinatawag nating “burning bush” si Moises at ang unang sabi nito ay narinig ko ang panaghoy ng Israel, nais kong palayain sila. Sa bagong tipan naman, si Hesus mismo, sa pagsisimula ng kanyang misyon, yan ang sinabi, akoy naparito upang bigyan ng paningin ang mga bulag, palakarin ang mga lumpo, at PALAYAIN ang mga bihag at api. Yan po ang ating Dios. yan ang kanyang layunin at biyaya sa atin. Kalayaan, lalo na sa kasalanan. Hindi sya ang Dios ng kaunlaran, kayamanan o kaginhawahan, siya ay Dios ng Kalayaan. Gaano nga ba natin pinahahalagahan ang kalayaang handog nya sa atin? Nakakagulat minsan, pagkatapos nating matamo ang Kalayaan noong 1986, may mga nagsasabing di raw bagay sa atin ang demokrasya dahil masyado itong Malaya. Mas mainam daw ang kamay na bakal, ang authoritarianismo o otokrasya. Kailangan daw ng disiplina ng Pinoy. Pasensya na po, ayaw ng Dios ng tautauhan o alipin lang. “God doesn’t need subjects, but sons and daughters,” ani pope Francis. Nais at tanging hangad nya sa atin ay Kalayaan.

EDSA 2024 National Day of Prayer and Action

428689744_708541361428967_2212519204352066252_n.jpg

 

Wika ng Diyos sa Exodo kabanata 3:

“Nakita kong labis na pinahihirapan ng mga Egipcio ang aking bayan. Alam ko ang hirap na kanilang tinitiis at narinig ko ang kanilang pagdaing. Kaya't bumabâ ako upang sila'y iligtas"

Noong 1986, nasaksihan din ng Panginoon ang ating pagdurusa sa ilalim ng diktaturang Marcos at narinig ang ating mga hinaing, kung kaya't tayo ay Kanyang pinalaya.

Ang EDSA 1 ay karanasan natin ng pagligtas ng Diyos sa atin. Ang sinumang tumanggi sa ating kwento ng kaligtasan ay di gumagalang sa Panginoon. Whoever denies or revises the story of Edsa 1 dishonors God and discredits what God has done for us, His people.

Kung Kaya't tayo ay nagtitipon ayon sa inawit natin bilang pambungad:

Bayan, muling magtipon
Awitan ang Panginoon
Sa piging sariwain
Pagliligtas Niya sa atin.

-Fr Manoling Francisco, SJ
(National Day of Prayer and Action, February 23, 2024, EDSA Shrine, Quezon City)

More Than P500K Assistance To Farmers in Central and Northern Luzon

for_website_mtq_feb1718.png

Another successful mobile talipapa by Tanging Yaman Foundation, conducted in Mary The Queen Parish, San Juan City! Farmers in Central and Northern Luzon who provided the fruits, vegetables, and rice received P 588,164.00. Thanks to Fr. Bogs Tapiador, SJ and Mary the Queen Parishioners for hosting TYF Talipapa last Feb 17-18, 2024.

Our third Mobile Talipapa in MTQ Parish will be on March 2-3, 2024. And for the first time in St John Bosco Parish, Makati City, on March 3, 2024.

Meeting with UP-PGH Mission Partners

On February 19, Monday, TYF visited UP-PGH, and we were blessed with the opportunity to hear some stories of our TYF beneficiaries: the children with cancer and the doctor scholars.

This year, we remain committed to our two programs: feeding cancer-stricken children through the UP-PGH Chaplaincy and the Evelyn Ang Memorial-TYF Scholarship Program through the UP-Manila College of Medicine.

 

428630052_707475911535512_8279229999818917821_n.jpg

 

We thank our Hunger Alleviation mission partner, Fr Lito Ocon, SJ and the UP-PGH Chaplaincy, and our Scholarship Program Partner School, the UP-Manila College of Medicine under the leadership of Dean Charlotte M. Chiong, M.D., Ph.D., for their continued support and commitment.

 

Close To Half A Million Assistance to Central & Northern Luzon Farmers

425690921_698446059105164_3495852321709993161_n.jpg

 

Thanks to Fr. Bogs Tapiador, SJ and Mary the Queen Parish, San Juan for hosting Tanging Yaman Foundation's talipapa last Feb 3-4, 2024, during which close to half a million pesos (Ph488K) was paid directly to farmers in Central and Northern Luzon who provided the fruits, vegetables and rice

Copyright © 2026 Tanging Yaman Foundation, Inc. All Rights Reserved.Designed by Dennis Jimenez